ABCD @ 10YO

IMG_8243.PNG
2004, yan ang taon na una kaming nagkakilala. Mula sa advertisement sa telebisyon, sa pagiging textmate, hanggang sa nag EB, nagkaligawan ng paspasan, pumasok sa relasyon at the rest is HISTORY. Akala ko dati, lahat ng nagiging katextmate ko, tall, maputi, blue eyes at may magandang boses, pero hindi siya ganun. Cute naman siya ng una kaming magkita. Medyo complicated lang ang course niya nung kolehiyo (well, gusto ko naman talaga ng matalino). Mahilig kaming magpalitan ng mga love letters (oo, ganyan kami ka cheesy nun), nagsusulatan ng mga tula (na minsan talaga etchos lang) at magpalitan ng regalo. Natandaan ko ang unang regalo ko sa kanya (bukod sa aking kasariwaan) ay yung teddy bear na kung di ko pa kinuha sa dati naming tinirhan eh malamang mula sa kulay nitong puti ay baka tree brown o uling black na siya. Oo, biktima rin kami ng mga pet names (o code names sa amin mga sarili para itago ang aming relasyon). Mula sa Toptop at… naku nakalimutan ko yung tawag niya sa akin, tapos Mahal, hanggang sa naging Bebe. Yup, kagaya ng nakakaraming Pilipino, sa BEBE din kami bumagsak. Nakalipas ang ilang taon, ito pa rin kami, magkasama. Dumaan man ang maraming pagsubok (well, wala naman talagang pagsubok sa relasyon namin na hardcore), narito lang kami kasing tibay ng La Farge Cement na haharapin ang mga ito (sabay gesture na parang napiflex ng muscle sa left arm lang).

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s