AKO AT ANG MGA TIRA TIRANG FRIES

IMG_8382-1.JPG
Noong bata ako, mahilig akong kumain sa fastfood lalo na sa Tropical Hut kasi yun lang ang malapit sa bahay namin at wala pang Jollibee at Mcdonalds. Di ko alam pero meron akong hobby na pumunta sa mga lamesa na may tira tirang french fries. Yup, yan ang paborito kong pagkain noong bata pa ako. Kapag umalis na yung kumain sa kabilang table, unti unti akong pupuslit mula sa aking Nanay o Tita (na lagi kong kasamang kumain sa fastfood before), oobserbahan ko yung mga pinagkain nila. Titignan kung merong fries na naiwan, at parang patay gutom na bata, bigla ko siyang pupulutin, isasawsaw sa ketsup at nang akma ko na siyang isusubo, maririnig ko ang sigaw ng galit na kasama ko. Di ko alam pero di naman madumi ang mga di nakain na fries. Sa isip ko baka kasi busog na sila kaya di nila kinain yung left overs. Sayang ang pagkain. Minsan nga naisip ko nga na wag ng isama ang fries sa order ko at spaghetti na lang (na isa rin sa paborito ko) kasi sigurado kong meron naman akong makukuhanan ng fries. Sa buong time na nag attempt akog kumain ng tirang fries, kahit isang beses, ni isang beses di ako naging successfull dahil sa mala- Ambulansyang galit na boses ng nanay o tita ko.

3 thoughts on “AKO AT ANG MGA TIRA TIRANG FRIES

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s