SM CENTER ANGONO OPENING DAY NOVEMEBER 14, 2014

SM 1
Yup, its open! After a few months ago, kakaannounce lang na magkakaroon ng SM sa Angono ngayon, bukas na siya. Ito ang unang beses na nakakita ako ng magkasunod na SM (which is Taytay and Angono). Ang nakakaexcite dito, marami ng choices ang mga tao kung saan nila gustong pumunta. Dati kasi Sta Lucia or Ever Gotesco lang. Hahaha! sabi sa Wikipedia, ito na ang 50th Sm Mall na nagbukas at ang susunod ay SM San Mateo. So does this mean na ang next Metro Manila ng Pilipinas ay Rizal? Let me give you my insight sa bagong SM dahil nasa Opening Day nila ako. Hahaha!
SM 4
There are two main entrance sa SM Angono. Ang pinakamain entrance ay nasa Angono Hiway na side at ang isa naman ay nasa Angono Proper na side na katabi lang ng Meralco. Ang entrance sa Meralco na side ay papunta sa Upper Ground Floor which is meron mga booth na nagbebenta ng mga gamit na gawa sa Angono at meron din exhibit ng mga painting ng iba’t ibang artist sa Angono Rizal. Meron din maliit na parang playground ng mga bata kung saan pwede silang sumakay ng maiit na motor. Ito rin ang entrance galing sa parking area.
SM 3
Take the escalator going to the first floor. Marami pang stores na di pa bukas, kumbaga parang soft opening palang siya. wala pang ganung makakainan or mapapasyalan. Ang ilang stores sa ground floor ay Watsons, Save More na Supermarket, BDO (which ang daming mga nakapolo kanina) at pa ilan ilan na stores ng mga damit.
SM 2
Sa second floor naman merong mga cellphone at gadgets stores, National Bookstores, ilang kainan, Toby’s at mga beauty establishments. Ang hugis ng SM Angono ay pa-L. Yung pahabang part ay parang SM Taytay na wala yung food court. Sobrang dinumog siya ng tao kasi maraming mga games at entertainment sa iba’t ibang part ng mall. Nagpunta pa nga doon si Jasmine Curtis Smith na di ko na nabutan (Sayang!).
IMG_8400IMG_8403
Puno din ang halos bawat sulok ng SM ng mga Higantes which Angono is known for. Nakakatuwa kasi iisa lang ang porma nila, nakapamewang lahat pero wiling wili pa rin ang mga tao sa pagpapalitrato sa mga ito. Pati labas ng SM oh. Di ako gaano umikot kasi masyadong maraming tao at wala rin naman akong nabili kasi wala pa talagang bukas na stores na maganda. At least merong Toy Kingdom at Worlds Of Fun sa may second floor. Ang event din na ito ay event para sa mga Senior Citizen, dami nila eh. Hopefully na magbukas na rin yung ibang stores bago magDecember para masaya ang magiging pasko.

MGA MUNTING OBSERBASYON:
Pauwi na ako galing sa opening ng makasabay ko sa jeepney ang grupo ng mga senior citizens. Siguro mga labing lima sila kasi napuno nila ang jeepney. Meron pa silang mga flag ng Save More para sa opening nila. Tapos bumaba rin sila sa SM Taytay. So nganga sila sa SM Angono. Hahaha!
IMG_8402
Excited din ang mga taong pitasin at sirain ang mga korona na bulaklak sa pagbubukas ng SM Angono. Naisip ko na lang baka may altar siya sa bahay na paglalagyan ng mga bulaklak. di ko nakunan ng litrato pero may natumba pa ngang korona. Hahaha! Tapos doon sa may Toby’s, merong Balloons, aba may kumukuha! Sabi nga nung isang nagbabantay, di po siya pinamimigay. HAHAHA!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s