MY QUIAPO TRIP: HAPPY PLACE IN THE WORLD

IMG_8491.JPG
Quiapo is like a paradise to me. From cheap buys like shoes, shirts and little things to a billion pirated cds and dvds, its the happiest place for me in the whole wide world. Going to Quiapo is really a fun travel. Sometimes, i rode a bus with a signage of Quiapo (which will cost you roughly around 40php to 50php) or riding a jeepney going to LRT Santolan and getting off at Recto station (which is around 30php to 40php) coming from my house. I love walking in the streets of Quiapo even that i know that there are a lot of holdaper and snatcher in the area (wag ka lang pasosyal at pa cellphone kasi sigurado akong di ka na lalabas ng Quiapo na kompleto ang gamit mo). I really like to shop shoes sa mga stores sa side ng LRT 1. They offer cheap shoes and cheap quality. Hahaha!!! Wag na lang araw arawin ang gamit. I think tshirts from this stores are just the size of korean pop stars sa sobrang liliit ng mga damit nila. Also, dito lang lantarang binibenta ang mga sex toys na sa nilalakaran ng mga tao na nakadisplay. Minsan nga nattempt akong bumili nung goat ring ba yun. Hahaha. Pwede ka ring bumili ng gamit sa SM Quiapo which is the tingin ko ay bagsakan ng mga unsold and out of season things and clothes. Sobrang dami lang talaga ngayon ng tao doon kasi magpapasko. At yung kalsada na daanan ng sasakyan naging tindahan ng mga prutas, damit, relo, pantanggal ng bara at iba pa. But everytime i went to Quiapo i make sure to stop sa Quiapo Church. Di ko alam pero lahat ng hiningi ko sa Itim na Nazareno nangyari at natupad. I always prayed for good health for my partner and family and more money. Siguro kung nakikinig lang si Papa Jesus sa prayers ng mga tao sa Quiapo baka queing agad, merong 30 to 50 minutes wait time.

IMG_8492-1.JPG
Simula bata pa ako, para makapunta sa may Chowking sa kabilang kalye from Quiapo, dadaan ka sa Lacson Underpass. Di ko alam ang history ng underpass na yun pero ang lumang version nito ay madumi at mabaho. Merong mga nagbebenta sa mga hagdanan, may namamalimos at mga may sakit na bata at mabaho din ang cr tapos may bayad pa na limang piso. Then sinara siya para sa isang reconstruction. Dahil dito ang layo na ng iniikot ng mga tao at dadaan na kami sa ilalim ng tirik na araw. Ilang linggo ang nakakaraan, binuksan na ang bagong underpass sa publiko. Isang may salamin na entrance, may security guard at aircondition na underpass. Wala na ang mga bakas ng kahapon. Hahaha!!! Maganda na ang mga stall na nagbebenta ng mga damit, cellphone, relo at may mga kainan na rin, malakas makafood court. Sana lang masustain nila ang kagandahan ng bagong underpass mall na ito. At di sana mapasok ng mahihirap na tao.

IMG_8493-0.JPG
At di ka nag Quiapo kung di ka makakapunta sa heaven ng mga pirated dvds at cds. Tape palang dati ang pinapirate nandoon na ako. Hanggang sa maging vcd, dvd, cd, mp3 at computer programs. Nandoon din ako minsan ng niraid sila ng OMB. Alam mo yung mga tao nagtatakbuhan at nagsasarahan ng mga tindahan. Nandoon din ako ng tapos na yung raid, parang walang nangyari. From the super classic movies, new ones, foreign and OPM singers, old and new tv series, scandal ng artista, lahat yan meron. Movie dvds are 3 for 50php, cds are 20php and series are 30php to 40php. Well, depende pa rin naman yan kung may suki ka na para mas mura. Kaya nga kapag pumunta ka sa bahay namin, parang tindahan ng pirated ng cds at dvds ang isa kong kuwarto. And thats my trip to Quiapo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s