MY SAGADA TRAVEL CHRONICLES: ANG PANINIMULA NG ISANG LIKO LIKONG PAGLALAKBAY PART 1

IMG_8884.JPG
Never imagined na makakarating ako sa Sagada sa buong buhay ko. Kasi dati nanuod ako ng I-Witness, nakakatakot ang pumunta doon kasi puros bangin at maraming nahuhulog na bus. Pumunta kami last week sa Baguio kasi di namin alam kung doon, Baler or Iloilo. Pero dahil may bagyo, di kami natuloy sa Iloilo kasi may bagyo, wala kaming titirhan di umano sa Baler eh nagsuggest ako ng Baguio so gora na kami. Pagtapos ng one day namin sa Baguio, naisipan ng kasama ko na mag Sagada. Maaga kaming nagising para makuha ang unang trip. Kumain muna kami sa paborito naming canteen na malapit lang sa aming Motmot Hotel. Sa bus station, di ko akalain na marami din palang pupunta ng Sagada. Walang pila or anything kasi kalat kalat ang lahat. May nakaupo sa kahoy na upuan, mga nakatayo na mga taga call center na aakyat ng bundok. Nang buksan na ang ticketing booth, pila agad ang tao. Gusto ko sanang sa unang bus kami sumakay pero sa pangalawa kami natuka. Ordinary bus lang siya at merong nakapuwesto pa sa gitna. Alos anim na oras ang byahe. OMG! Buti na lang merong seat assignment. Habang umaandar, na kita ko na may plastic na nakasabit. Siguro dahil sobrang liko liko ang daan, mas malala pa sa Baguio.

IMG_8885.JPG
Nakilala din pala namin ang magkapatid na sina Tin at Rizza sa bus station. Hahaha! Sila ang kasama namin sa mga adventures namin. Nakabukas ang aming bintana habang tumatakbo ang bus sa mabanging daan. Sobrang lamig, as in!!! Tapos lahat ng hangin sa mukha ko tumatama. Di rin ako makatulog kasi liko ng liko.

IMG_8886.JPG
Dumaan din kami sa pinakamataas na point sa Pilipinas. Nakakatuwa kasi parang dalawa o tatlong bundok bago marating yun. Hahaha! Yan ang sign na nasa gitna ka ng byahe mo. Hinahanap ko nga yung pinaglaglagan ni Tado. Sabi ko sa sarili ko, wag naman dito sa Sagada. Tapos mga dalawang bundok uli para makarating sa Sagada. Kala ko doon na sa may tuloy na ginagawa yung Sagada kasi meron ng Welcome sign yun pala mga 20 minutes pa na bus. Grabe din ang mga magkakasalubong na bus kasi kung di sila magbibigayan, sila ay magbabanggaan sila or mahuhulog ang isa sa bangin. At after ng nakakapagod na na anim na oras, nakadating na kami sa Sagada.

*some photos are credited to Tin

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s