MY SAGADA TRAVEL CHRONICLES : SUMAGING CAVE AT LUMIANG CAVE PART 3

IMG_8973.JPG
Matapos naming kumain, kinita namin agad sina Tin at Rizza para may kasama kami sa paglilibot at mababa lang ang bayad sa tour guide (sa pupuntahab namin kailangan talaga ng Tour Guide). Pumunta muna kami sa Tourist Center at si Kuya Ivan ang naging guide namin. Sabi niya mga 30 minutes na lakaran hanggang sa kuweba. Walang sasakyan ganu sa Sagada FYI. Lahat ay nilalakad talaga. Hahaha! Sa suot kong naka short, tshirt at islander na tsinelas, ok na akong magcaving. Lakad lakad, hanggang sa madaanan namin yung Hanging Coffins pero di na kami bumaba kasi mga 20 minutes pa na lakaran yun at siguradong aabutin kami ng dilim.

IMG_8975.JPG
Sa daan meron akong nakitang nahulog na sayote sa tapat ng pintuan ng isang bahay. Sabi ni Kuya Ivan eh pangpakain lang daw ito sa baboy. Hahaha! Eh sa di kalayuan may nakita akong puno. Sabi ko eh dito nga sa daan lang tumutubo ang kamatis, yun pala Persimon. Oo nga naman di naman tumutubo ang kamatis sa mataas na puno. Lakad uli. Kapag nakita nyo na ang sign na ito ibig sabihin malapit na kayo:

IMG_8901.JPG
Ang daan papunta doon ay pababa na maputik na mabato. So ako ay dahan dahang bumaba kasi lampa ako. Sa bukana palang ng Sumaging Cave marami ng tao. May mga grupo na nagpupulong para sa pagpapaliwanag ng tour guide. Sa may bukana meron mga bangkay ng mga katutubo doon bilang paggalang sa mga namatay.

IMG_8904.JPG

IMG_8903.JPG
Tumahak kami pababa, akala ko mula sa baba dirediretso lang then exit na. Nagkamali ako. Pagbaba namin konti, maramig tao ang nais na bumaba sa pinakababa. Nakakaasar kasi halos isang oras kami na naghihintay para kami naman. Ito kami:

IMG_8974.JPG
Nang kami na medyo kailangang sumingit sa mga bato, bumaba sa pinakababa na walang lubid na ang gagawin mo ay itukod ang iyong paa at trust your tour guide kasi sa liit ng katawan nila, sila ang tutungtungan mo, aalalay sayo, sasalo sa mga balikat nila. Mahirap na trabaho. Kailangan namin gumapang sa mga gilid ng bangin, umakyat ng lubid (na nakakaawa yung sumalo na maliit na lalaki sa akin sa aking pag akyat), gumapang, maputikan, madulas at mainquired ang malaki kong toe sa paa at isa pang beses na nadulas ako (lampa nga ako). Sobrang madaming madudulas na bato, meron pa ngang mga bato na gloves ni Manny P, elepante at yung frog. Di na kami gaano nagpicture kasi wagas ang pagod at mapanganib ang mga daan na aming sinuong. Ito ay ilan sa mga larawan namin:

IMG_8920.JPG

IMG_8922.JPG

IMG_8921.JPG

IMG_8919.JPG
Nang patapos na kami sa pagpapadulas sa mga gilid ng bato, yun pala meron palang shorter na Lumiang Cave. Parang baba ka lang tapos na. Hahaha!!! Peste!!! Medyo
Marami ding paniki pero wala naman akong nakita pero naririnig ko sila. Naloko din kami doon sa akala namin trees or clouds, yun pala ceiling lang ng cave. Ang hagdan paakyat ay nakakapagod din at madulas at sabi ng guide namin maraming pupu ng mga paniki. Sobrang pawisan ako at pagod na. Pagdating namin sa kalsada, naupo na ako sa kalsada at bumili ng tubig. Puros dumi at putik ang damit ko. Pero i can now say that i conquered Sumaging Cave at Lumiang Cave. Tapos sabi ng guide one hour walk para makabalik sa bayan eh sabi ko magrent na tayo ng sasakyan na siya namin ginawa. Sakripisyo na nga yung pagpasok sa kuweba na yun, maglalakad pa kami ng malayo. Hehehe!!!

*some photos are credited to Tin

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s