MY SAGADA TRIP CHRONICLES : KIMCHI RESTAURANT AT STRAWBERRY CAFE PART 4

IMG_9163.JPG
Sobrang to the highest level na ng pagod namin na ang gusto naming gawin ay kumain. Si Tour Guide Ivan ang nagsabi sa amin na kumain sa Kimchi Resto. Dalawa siyang parang maliit na bahay na yung isa ay inuman na maraming mga foreigner at yung isa kainan lang. Ang vibe sa loob ng restobar ay reggae. Isa nga pala, walang ilaw sa restroom, walang tabo sa lalaking banyo at yung toilet bowl ay flat sa floor. Hahaha!

IMG_9160.JPG
Ang serbedora ay isang morena na bata. Siguro dahil gabi na di na available. Hahaha! Nasabihan pa kami ng nagluluto kasi mag isa lang siya kaya medyo hirap siya. Eh gusto namin agad agad, sabi niya kung gusto namin ng mabilis meron daw turo turo sa taas na mabilis magserve. Kahit pagod na kami sige wait pa rin kami. After ng bente minuto, lumabas ang inorder namin. Masarap pala yung Lemon Hot Tea. Yung sinigang nila lasang nilaga at matigas pa yung karne. Siguro nga dahil mag isa lang si Kuya kaya pressured. Pagtapos ay umakyat na kami sa kuwarto, nagligo at natulog na agad. Sobrang maitim na yung big toe ko. Kawawa siya.

IMG_9161.JPG
Gumising ako ng maaga kasi maglilibot libot pa kami. Naligo ng malamig na tubig at umuusok din ang aking hininga. Palengke day pala ang Friday. Lumibot ako sa baba, bumili ng isang maasim na mangga na itinapon ko rin, bumili rin ng lugaw at bilo bilo for breakfast, botchi at yung kakanin na kamote na tinapon ko rin. Bumili ako ng isang plastic ng dalandan na sobrang mura sa halagang 75php na may pitong laman. Isang bagay na kailangan mo talaga dito sa Sagada ay jacket kasi malamig. Pagtapos kumain ng light na breakfast, bumaba kami at lumakad na naman (sabi ko naman sa inyo na maraming lakad dito), napadaan kami sa Strawberry Cafe at nagdesisyong kumain uli. Ang Strawberry Cafe ay di located sa kalsada, medyo papasok siya. Nang kumain kami doon, kakabulas lang. Sa isang mahabang parang conference table kami kumain sa labas para one with the nature. Nakikita yung mga puno at mga bahay at mga tosas na puti at pink. Yung malamig na panahon samahan mo pa ng kuwelang feeling, its so nice.

IMG_9162.JPG
Ang pancake nila na may fresh strawberry is amazing. Yung corned beef na breakfast meal nila ay masasabi kong sulit kasi di tipid ang corned beef at itlog. Amazing food. Matapos kumain, its time to make libot.

*some photos are credited to Tin

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s