MY SAGADA TRIP CHRONICLES : BOMOD-OK FALLS PART 6

IMG_9215.JPG
Pumunta kami sa tourist center para kumuha ng masasakyan kasi medyo may kalayuan ang Bomod-Ok Falls. Sabi nila mga 1 hour and 30 minutes na lakaran. Anak ng pating! Medyo makurba ang daan patungo sa falls at alam mo yung daan na pang isahan lang ang pwedeng dumaan na sasakyan. Bumaba kaminsa isang basketball court na may simbahan sa may bandang dulo. Mainit ang sikat ng araw pero di na masyadong malamig. Nagbayad kami ng guide patungo sa falls. Nalimutan ko na yung pangalan ng guide namin, Martin yata. Hahaha! Sabi niya siguraduhin namin na may tubig kami at meron naman kami. Binigyan din kami ng guide ng kawayang tungkod. Nagsimula na ang aming paglalakbay papunta sa falls. Pababa siya na puros hagdanan at sa paligid nito ay maraming mga sunflower. Marami ring mga rice terrace sa mga paligid ng hagdan pababa. Bilang lampa, syempre dahan dahan na naman akong bumaba, ayoko namang mahulog sa hagdanan at dumiretso sa baba. Kapag may nasasalubobg ka kailangan mong gumilid kasi pang isahan din ang mga daan dito. Marami din kaming nakasalubong na galing na sa falls. Nakakapagod kaya ang pagbaba pero sulit sa scenary. Kapag nasa one fourth ka na meron isang pahingahan na waiting shed.

IMG_9219.JPG
By the way, sabi pala eh mga halos isang oras din yun na lakaran sa falls. Whew! Kapag nakarating ka na sa baranggay na part yun ang half way. Dito magbabayad ka ng ten pesos parang entrance fee. Pwedeng bumili ng halo halo, softdrinks at magbanyo. Simpleng kumunidad. Dito ay merong parang lugar na pinagdadausang ng katutubong seremonya. Merong mga buto ng mga hayop tapos may gin na bote sa gilid pero enidit ko na lang siya hahaha!

IMG_9220.JPG
Tinuro pa ni kuya yung kulungan ng baboy. Sabi niya na dati daw pwedeng dumumi ang tao sa loob ng kulungan ng baboy at kakainin ito ng baboy. Anyway, matapos ang pagbaba, lakad kami sa pilapil. Syanga pala, kailangan talaga itong kawayan kasi kapag pagod ka na at madudulas (kagaya ko) pwede mo siyang gawing pambalanse. Infairness naman sa pilapil at may mga parte siya na semento ang hagdanan at lakaran. Medyo meron lang tubig tubig na area pero ok naman siya. Kapag meron na kayong napasok na dalawang malaking bato na akala ko ay kuweba, three fourths na kayo. Ingat lang sa paglalakad dito kasi doon sa kabilang side ng pilapil ay malalim na bangin na may mabatong ilog sa baba. As in, natatakpan lang siya ng halaman pero malalim siya. Sa di kalayuan ay merong bridge. Gawa sa bakal pero nakakatakot siyang tawiran. Wala pa ngang one eight yung natawid ko sa tulay na yun. Picture picture lang masabi lang na may larawan hahaha!

IMG_9217.JPG
Konting lakaran pa at maririnig mo na ang agos ng tubig mula sa taas ng falls. Tapos lakad pa nandyan na siya. Aaminin ko na ito na ang pinakamagandang talon na nakita ko. Medyo madulas lang yung paglapiy sa talon. Ang sarap ng pakiramdam at ang lamig lamig ng tubig. Di kami na ligo kasi ako ayokong magbitbit ng basang damit. This is how i look and the falls is my background:

IMG_9216.JPG
Nang magsawa na kami sa mga anggi ng tubig na napunta yata lahat sa salamin ko nagdecide na kami umakyat. Kung anong ligaya ang pagbaba, siyang delibyo ng pag akyat. Meron pa ngang matanda na mas mabilis pang umakyat sa amin. Samantalang kami hapong hapo na. Meron din palan parang zipline pero di motor na ginagamit sa pagbababa at pag aakyat ng mga commudities at mga miniminang mga bato kasi merong mga small mining spmething sa isang parte ng bundok. Nagmimona sila ng ginto. Meron din palang mga kamalig na ginagamit nila na imbakan ng bigas lalo na kapag umuulan.

IMG_9214.JPG
Meron pa ngang bata na pababa na may dalang isang karton ng c2 at coke na dalawang dosena at dadalhin niya ito sa barangay. Well, sanayan lang yan. Hehehe! Paasa din ito kagaya sa cave kasi malapit na raw yung kalsada eh wala naman kaming nakikita. Matapos ang halos isang oras din na pag akyat nakarating din kami at sumakay sa sasakyan. Nakakapagod pero sulit kasi ang ganda ng Bomod-Ok Falls at nakakawalang pagod. Oo nga pala, nang pabalik na kami sa town proper meron palang ikakasal doon sa simbahan at meron ding katayan ng baboy sa mismong kalsada nagaganap. Time to eat lunch.

IMG_9218.JPG

*some photos are credited to Tin

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s