THE UNIVERSAL RECORDS CD SALE

/home/wpcom/public_html/wp-content/blogs.dir/27d/4492600/files/2014/12/img_9446.jpg
Naexcite ako sa cd sale ng Universal Records kaya last week nagpunta ako dito at bumili ng maraming cds. Hahaha! Ang saya saya niya! Parang heaven ng mga murang cds, dvds at bluray. Galing ako sa Divisoria at Quiapo, at dumiretso na ako sa Universal Tower sa Quezon City. Sakay ako ng pa Fairview na jeepney at sa tulong na Waze di ako na ligaw (amazing talaga itong application na ito).

/home/wpcom/public_html/wp-content/blogs.dir/27d/4492600/files/2014/12/img_9447.jpg
Kapag nakita mo na yung Mercury Drug sa may Quezon Avenue, bumaba ka na kasi walang tawiran sa mismong tapat ng Universal. Tumawid sa foot bridge at maglakad ng konti. Kung galing naman sa mrt, pwede ring lakarin or sumakay ng jeepney going to quiapo. Medyo scary lang yung elevator kasi kahit may papasok pa, maiipit ka pa rin. Hahaha! Nabiktima ako eh.

/home/wpcom/public_html/wp-content/blogs.dir/27d/4492600/files/2014/12/img_9448.jpg
Pagdating ko sa 10th floor ang daming cds sa unang kuwarto palang. Isa isa kung pinuntahan ang mga lalagyanan. 20php lang ang karamihan sa mga cda at yung iba naman 35php. Sasabihan ko na kayo, medyo matagal na yung ibang cds. Meron ding mga 100php na vcds at dvds. Pero ang inaabangan talaga ng mga tao ay an. Kartong karton na bluray na 500php lang. Meron pa ngang isang mama na bumili ng mga sampung piraso na bluray. Well ako naman marami ng napili. Then i just realized na meron pang isang mas malaking kuwarto. OMG!!!

/home/wpcom/public_html/wp-content/blogs.dir/27d/4492600/files/2014/12/img_9449.jpg
Dahil madami akong nabili, mababait yung mga sales lady na nagooffer ng box. Pero sabi ko ok lang. Dito sa ikalawang room, merong mga klasik album at mga latest album which are discounted and regular prices. Lahat g cds na nabili ko ay wala pang 500php. Oh di ba?!? Amazing!!! Kaya lang, dahil bawal ang plastic sa QC sa paperbag nilagay at nang pauwi ako nabagsak ko siya at nabutas. Ang ending bumili ako ng eco bag. Last two days na lang ng sale na ito, tomorrow (Dec 20, 2014) at Sunday (Dec 21, 2014) kaya sugod na.

*some photos are credited to the FB account of Universal Records

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s