HINDI NAMAN NA A-UNLEARN ANG PAG-IBIG: THAT THING CALLED TADHANA MOVIE REVIEW

2015/02/img_0097.jpg “Where Do Broken Hearts Go?”. Paulit ulit ko siyang kinakanta. Pagtapos naming mapanuod ang That Thing Called Tadhana, habang pababa sa escalator papuntang KFC, habang paexit ng Robinsons Pioneer, habang papunta sa sakayan ng bus (na naatrasan ng isang bus ang isa pang bus, sa aking isipan habang nasa jeepney at habang nagbabanyo. Sabi nga ng character ni Angelica Panganiban, TAGOS!

2015/02/img_0100.jpg
Istorya siya na talagang magpapakilug sayo at magpapaluha. Alam mo yung scene palang na sinabi ni Angelica na dinala niya ang buong buhay niya sa Italya tapos malalaman niyang merong ibang babae ang boyfriend niya for eight years, kahit ako mapapamura. Aaminin ko na di naman talaga kailangan ng pangalan para magkaroon ng level ang pelikula. Kagaya niyo, simula sa Airport sa Roma, Manila, Baguio, Sagada at pabalik ng Manila, di nila alam ang pangalan ng isa’t isa. “Bakit ba kayong mga mapeperang mga babae, ang hilig n’yong hinahanap ang sarili n’yo sa Baguio? Ba’t ba Baguio? Hindi ba pwedeng sa inuman na lang?” sabi ng character ni JM. Di ko rin alam pero bakit nga ba? Hinihilom siguro ng lamig ng klima ang hapdi ng sugat sa puso na naiwan.

2015/02/img_0101.jpg
“Hindi. Na. Kita. Mahal. Makakaalis. Ka. Na. Seven words. ‘Yung 8 years namin, tinapos n’ya in 7 words.” sabi ni Angelica matapos silang kumain pagdating ng Manila. Oo walong salita para tapusin ang lahat lahat. Malungkot pero totoo naman. Masakit pero kailangang tanggapin. “Hindi ka na niya mahal. Yun na yon. Ano di malinaw dun?” “Tang inaa naman, sabihin naman niya kung bakit–”
“Bakit, kapag sinabi ba niya kung bakit, may magbabago? Ang bottomline, hindi ka niya mahal.” “Close ba tayo? Ang sakit mo na magsalita ha!” Matapos mong ikuwento ang buong buhay mo sa isang estranghero, mabibigay ng payo, harsh na agad. Hahaha!

2015/02/img_0105.jpg
Meron scene dito na may tumatawag sa isang babae sa resto tapos ayaw niyang sagutin at sinabi ni Angelica na sagutin ang telepono kasi Tadhana yung ringtone ng babae. Hahaha! Eskandalusa! Sabi nga sa pelikula There are all kinds of love in this world, but never the same love twice. Tama! Kasi wala namang pag-ibig na nauulit! Hindi yan cycle!

2015/02/img_0102.jpg Alam ko na ang pag iibigan nila ay unti unti nabuo. Gusto ko rin yung panaginip part kung saan kinukuwento ni Angelica yung panaginip niya na pagtalon sa Macau Tower. Magkahawak sila ng kamay ng bf niya tapos tumalon s yung lalaki ng mag isa at naiwan na lang siya. Yung panaginip naman ni JM, naglalakad lang sila sa Session Road tapos yun lang pero sabi niya kung tatapusin lang niya yun, lilingon daw si Angelica sa kanya ng dahan dahan tapos sasabihin niya na nakalimot na siya. Naghahanap ako ng dialogue about The Arrow With The Heart Pierced Through It pero wala akong makita. I think this story is cute too. Wala namang ibang pinupuntahan ang broken hearts. Itoy naghihilom at umiibig muli kasi kahit anong torture pa ang gawin mo dyan marami talagang paraan para lumimot at magmahal muli.

One thought on “HINDI NAMAN NA A-UNLEARN ANG PAG-IBIG: THAT THING CALLED TADHANA MOVIE REVIEW

  1. There are all kinds of love in this world, but never the same love twice. 
    Kasi the nextym you love with the same person, you can be better or worst.

    Betyer coz youve learn or worst kasi kasi hindi na talaga kahit anung pilit mu.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s