TEMPORARY LOVE: JOURNEY

                                    (Photo credit from Wet Book cover)
Nilamon ng maingay na tugtugin ang kanyang mga ungol, impit pero malakas. Ito ang lugar kung saan ang mga tao ay nagpupunta di lamang sa panandaliang ligaya kundi pati panandaliang pagmamahal. Sa isang halaga, matitikman na ang panandaliang pagmamahal na inaasam asam. Dito, panandalian lang ang forever pero sigurado akong magbibigay ito ng kasiyahan. Nagsimula akong lumakad sa madilim na pasilyo na ang tanging suot ay ang munting puting tuwalya at ang susi sa aking kaliwang braso. Maingay ang tugtug at medyo mainit ang atmospera. Maraming nag aabangan ng mga susunod na pangyayari. Naghahanap na mga bagay na mabilis at pandalian. Umikot ako at pilit inaaninag ang mga mukha ng aking nakakasalubong sa kukurap kurap na liwanag. Tumigil ako sa isang pader at may tumabi sa akin at nakipag usap. Pero tumangi ako at nagpatuloy sa paglalakbay. Nang mapagod ang aking mga binti, naupo ako sa natitiklop na upuan. Nakita ko mula sa kinauupuan ko ang mga tao na nagmumula sa kaliwa, kanan at gitna. Para silang mga isda na di mapakali sa paglakad, naghahanap ng pamingwit na bibingwit sa kanila. Lahat ng uri ng isda, mataba, mapayat, maitim, maputi, mabango, mabaho at marami pang iba. May ilang nagtangka na tumabi sa akin pero di ko sila pinansin dahil nilamon ng ingay ang aking diwa. Masyadong mainit din ang lugar kung saan ako naghihintay kahit halos wala akong kasuotan kaya naglakad ako at naghanap ng aircondition unit na pwedeng tapatan… ITUTULOY

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s