TEMPORARY LOVE: MEET

 Habang nasa tapat ako ng aircon, nakikita ko na patuloy pa rin ang pag ikot ng nakakarami. Merong lalaking tumabi sa aking likuran, sumandal.”, nagpapakirdaman. Umalis din siya. Siguro di niya ako tipo. Niyayakap na ng lamig ang hubad kong katawan. Diretso ang daan pero sobrang madilim at parang ilang minuto lang merong lalabas na anino. Pero bukas ang isang pituang di hila. Muli akong naglakad, nakita ang isang lalaking aking natipuhan. Kasing tangkad ko lang at kasing katawan. Nakasalamin pero astig. Akmang dadaan na ako sa harap niya ng siya ay tumigil, sumandal sa pader at humarap sa akin. Patagilid akong dumaan sa harap niya na ang aming mga balat ay nagdikit. Makinis sabi ng aking isipan. Mabango rin marahil dahil sa sabon na panligo sa baba. Nagpatuloy ako sa paglalakad at naupo muli sa kanina kong upuan. Merong isang lalaki na lumakad na walang tuwalya kaya nakikita ang kanyang harapan pero di ko pinansin. May tumabi sa akin. Di ko napansin kasi abala ang utak ko sa paghahati sa aking obserbasyon sa mga naglalakad at sa maingay na party music. Di ako lumingon agad, pero ramdam ko na nakatingin siya sa akin. Parang sa pelikula, mabagal ang aking paglingon. Ang mga mukha namin ay nagkatapat, mga mata namin ay nagtagpo, napamatay ang malakas na tugtugin at he had me at his smile….ITUTULOY 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s