TEMPORARY LOVE: APART

Matapos ang pasasama ng mga likido sa aming mga katawan, hinahabol ang mga hininga, dinadama ang init ng isa’t isa, humilata ako na patagilid sa kanya. Mga dalawang minuto ang lumipas at muli kong nadama ang lamig ng airconditioning. Bumangon ako at umupo sa gilid ng kama. Naramdaman ko rin na umupo siya sa aking likuran. Tinanong niya ako “Ok ka lang ba?”, sumagot ako ng patango. Tuluyan na akong tumayo at inikot ang maliit na tuwalya sa aking bewang. Hindi ako lumingon. Binuksan ko ang kandado ng pintuan. Biglang napili ng aking tainga ang maingay na tugtugin ngunit naputol ito dahil may nagsalita sa mikropono. Sabi ng boses, labing limang minuto na lang at magsasara na sila. Lumakad ako sa madilim na pasilyo, katawan ko ay sumasagi sa katawan ng ibang lalaki na naghahabol sa panandaliang pag-ibig na itong lugar na ito ay binibigay. Bumaba ako ng hagdaan at dumiretso sa paliguan. Bumagsak ang tubig at inisis ko ang buong kong sarili. Nagsabon ng tatlong ulit. nagmumug ng tubig. Pinihit kong pasara ang paliguan, pinunasan ko ang sarili ko pero naaamoy ko pa rin ang pawis niya sa akin mga kamay, braso at iba pang parte ng aking katawan. Nagbihis ako habang ang iba ay nagbibihis rin sa aking tabi. Kinuha ko ang mga gamit ko at nagpasalamat sa nagbigay nito. Sabi niya sa akin “Balik po kayo Sir”. Ngumiti lang ako at lumabas ng pintuan. Sinabi ko sa sarili ko na kahit sandali, nakaramdaman ako ng pagmamahal at natotoo akong magmahal.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s