ASA

Lahat tayo umaasa. Walang hindi umaasa. Sino ba ang ayaw umasa. Minsan sa buhay ko umasa na rin ako at nabigo. Nagpapaasa at nagpaluha.Umasa at nagkakatotoo. Masakit kung walang nangyari, masarap kapag nagkatotoo.

Alam mo yung eksena na masaya kayo pero hanggang doon na lang. Dead end ang kasiyahan nyo. Kontento sa kung anong meron kayo. Maligaya ka na sa mga ngiti niya. Masaya na siya sa pag aaruga mo. Pero hanggang doon na lang ang lahat.

Yumakap ka, pero di mo siya naghagkan. Ilusyon lang ang lahat kasi magaling siyang maglaro ng damdamin. Magaling kang magpalito ng puso. Mabilis kang magpasinghap ng utak. Sa di mo malaman na dahilan pero bumilis ang tibok ng puso mo, pero mauuna ang puso niya sa karera na alam mong di ka magwawagi.

Bakit ka nga ba masasaktan sa isang asang damdamin? Ikaw ang umasa, bakit kailangang suklian? Bakit kailangang pantayan? Bakit ka ngayon iiyak? Ang pag-asa mo na pawang ilusyon lang na ginawan mo ng pader para sa sarili mo. Asa na binigay mo na kala niya may hihigit pa doon, pero wala na.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s